3 PNP Generals, itinalaga sa mga panibagong puwesto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: The Philippine STAR

Ni-reassign ni Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa noong Agosto 28 ang tatlong PNP generals sa mga panibagong puwesto bilang kabahagi ng revamp limang araw bago ito magretiro.

Isa sa mga nabanggit na heneral ay si Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr. na itinalaga ni Gamboa bilang direktor ng PNP Finance Service. Una muna itong nagsilbi bilang pinuno ng Health Service.

Pinalitan naman si Tadeo sa Health Service ni Col. Arthur Cabalona, na dating mula sa Directorate for Comptrollership.

Si Brig. Gen. Alfredo Corpus naman ay itinalaga bilang direktor ng National Police Training Institute (NPTI) habang si Brig. Gen. Ferdinadaw Daway ang pumalit sa pagiging head ng Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao.

Ayon kay Gamboa, ang huling revamp ay isinagawa dahil sa pagreretiro ni dating NPTI director Ramon Rafael.

Binanggit naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na ang retirement honors at change of command ceremony ni Gamboa ay itinakda sa Setyembre 2 sa Camp Crame, kung saan nakadepende pa ito sa availability ni Pangulong Rodrigo Duterte.              

LATEST

LATEST

TRENDING