Panelo kay Sison: “Baka mamaya, mauna ka pa” kay PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo
Kuha ni: Efigenio Toledo IV (The Philippine STAR)

Mas matagal na mabubuhay si Pangulong Rodrigo Duterte kumpara kay communist founding chair Jose Maria “Joma” Sison, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo noong Agosto 28.

Ipinahayag ito ni Panelo matapos ipost ni Sison sa Facebook ang umano’y “expert opinion” ng isang doktor hinggil sa tunay na estado ng kalusugan ni Duterte.

Ayon sa doktor, kinakailangan ng 75-anyos na pangulo na sumailalim sa “major surgery”, at mayroon na lamang itong anim na buwan para mabuhay kung hindi ito maisasakatuparan, wika ni Sison.

Tugon naman ni Panelo, “Baka mamaya, mauna ka pa sa kaniya. Maniwala ka, he will outlive you, Jose Maria Sison.”

Noong Agosto 24, ibinunyag ni Duterte na inabisuhan siya ng kanyang doktor na ihinto na ang pag-inom dahil malapit na sa “Stage 1 cancer” ang kanyang sakit na Barrett’s esophagus.

Ayon sa Washington-based National Institute of Diabetes and Digestive Kidney Diseases, ang Barrett’s esophagus ay isang kondisyon kung saan pinapalitan ang tissue lining ng esophagus ng mga tissue na kapareho sa linya ng intestine.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang nasabing abiso ng doktor ng pangulo ay noon pa ibinigay sa panahong hindi pa nauupo sa puwesto bilang pangulo si Duterte.

Dagdag pa ni Roque, nananatiling “fit and healthy” ang pangulo.

Pinabulaanan naman ni Panelo si Sison at sinabing “malakas” si Duterte.

Aniya, “Kaya ‘yung mga nagdarasal o nagwi-wish na si Presidente ay may malubhang sakit, eh naku, bangungot lang po ninyo yun. Malakas si Presidente.” 

Hinikayat din niya si Sison na makiisa sa pamahalaan sa halip na sumalungat sa adminsitrasyong Duterte.

“Kung ikaw ba ay umuuwi na lang dito at makipagkasundo ka na lang at hikayatin mo yung mga napaniwala mo na bumalik na sa gobyerno para magkaroon na tayo ng pagkakaisa, magkaroon tayo ng kapayapaan, magtulungan tayo,” ani Panelo.

LATEST

LATEST

TRENDING