Mahigit 200k na mga trabaho, inaasahang malilikha dahil sa P1 trilyong infra badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Jonathan Cellona (ABS-CBN News)

Nagpaplano ang administrasyong Duterte na lumikha ng libu-libong trabaho mula sa konstruksyon bunsod ng ipinapanukalang P1 trilyong pondo para sa programang ‘Build, Build, Build’ bilang pagtugon sa malawakang unemployment dahil sa Covid-19 pandemic.

Tinatayang 140,000 hanggang 220,000 na mga trabaho ang inaasahang ililikha ng nasabing programa, na magsasagawa ng mga proyekto para suportahan ang health at essential services, at para paigtingin ang transportasyon ng publiko.

Ipinahayag ng labor department na mahigit 4 milyon ang inaasahang mawawalan ng trabaho sa dulo ng taon.

Because of its high multiplier effect on economic growth and output, infrastructure development is indispensable in reviving the Philippine economy during and after the COVID-19 pandemic (Dahil sa malaki nitong multiplier effect sa paglago ng ekonomiya, kinakailangan ang infrastructure development sa pagbagon nito habang at pagkatapos ng Covid-19 pandemic),” ani Duterte sa kanyang 2021 budget message.

Ipinapanukala ng administrasyon ang paglalaan ng P1.107 trilyong badyet para sa Build, Build, Build program para sa susunod na taon, kung saan katumbas ito sa 5.4 percent ng gross domestic product ng bansa.

Mas mataas ito nang 13.4 percent kumpara sa P976 bilyong badyet para ngayong taon, kung saan sinabi ni Duterte na nasa daan na tayo patungo sa “Golden Age of Infrastructure.”

Nitong buwan, sinabi naman ni Presidential Adviser on Flagship Programs and Projects Vince Dizon na aarangkada ang walong flagship infrastructure projects ng pamahalaan kabilang na ang dalawang mega-bridges habang pagtutuunan ng Build Build Build program ang mga proyektong may kaugnayan sa pandemic response.

LATEST

LATEST

TRENDING