Japanese Prime Minister Abe, nagbitiw sa puwesto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Japanese Prime Minister Shinzo Abe
Kuha ni: Kazuhiro Nogi (AFP)

Inanunsyo ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong Agosto 28 na magbibitiw na siya sa puwesto.

Ayon kay Abe, ang kanyang pagbibitiw ay may kaugnayan sa iniindang ulcerative colitis na nagiging sagabal umano sa pagpapatuloy ng kanyang trabaho bilang lider ng Japan.

Now that I am not able to fulfil the mandate from the people with confidence, I have decided that I should no longer occupy the position of the prime minister (Ngayong hindi ko na kayang gampanan nang buo ang tungkulin mula sa taumbayan, napagpasyahan kong magbitiw na bilang prime minister),” ani Abe.

Ikinagulat ito ng publiko dahil sinabi pa ng spokesman ng pamahalaan noong Agosto 28 ng umaga na nasa maayos na kalusugan ang prime minister.

Subalit, nanindigan si Abe sa kanyang desisyon at muling humingi ng tawad dahil sa agarang pagbaba sa puwesto.

Aniya, “I would like to sincerely apologise to the people of Japan for leaving my post with one year left in my term of office, and amid the coronavirus woes (Sinsero akong humihingi ng tawad sa mga tao ng Japan dahil sa pagbaba ko sa puwesto kahit may isang taon pa akong natitira rito, at habang nasa gitna ng pandemiya).”

Ayon kay Abe, gagawin niya ang kanyang tungkulin hanggang sa dulo, habang hinhintay ang susunod na prime minister, na posibleng maluklok sa pamamagitan ng isang leadership election kabilang ang mga miyembro ng namumunong partido.

LATEST

LATEST