Duterte, hinikayat ng PhilHealth employees na huwag magtalaga ng mga hindi kwalipikadong opisyal sa ahensya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nanawagan ang mga empleyado ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Agosto 28 para sa pagkakaroon ng caretaker committee para punan ang liderato ng ahensya dahil sa pagbibitiw sa puwesto ni PhilHealth president at CEO Ricardo Morales, pati na rin ang preventive suspension sa ilan nitong mga opisyal.

We are requesting President [Rodrigo] Duterte to appoint a caretaker who will replace all, the leadership vacuum in the corporation (Humihiling kami kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng caretaker para palitan ang leadership vacuum sa korporasyon),” ani Maria Fe Francisco, head ng PhilHealth-Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (WHITE).

Nag-resign si Morales dahil sa iniindang karamdaman habang isinasagawa ang imbestigasyon tungkol sa ahensya.

“We wish president Morales well kasi may sakit siya kaya nagbitiw. But we believe he will still have to appear physically in all these investigations,” dagdag pa ni Francisco.

Hinikayat din ng grupo si Duterte na huwag nang magtalaga ng mga taong hindi naman kwalipikadong mamuno sa PhilHealth.

Aniya, “Please stop appointing people who are not qualified kasi po ang ahensiya po ang natatamaan. Papalit-palit ng liderato kasi ‘di po qualified. They don’t know the road map.”

Ayon kay Francsiso, isinumite na nila ang kanilang rekomendasyon sa PhilHealth board para sa isang caretaker committee.

“There is a leadership vacuum. Hindi lang po ang presidente ang nag resign. Our top posts have been vacated, there’s a leadership vacuum. We are requesting a caretaker committee of which labor is represented in that committee,” wika nito.

Samantala, pinangalanan naman ng PhilHealth board noong Agosto 27 si executive vice president at chief operating officer Arnel de Jesus bilang officer-in-charge. Ilang beses namang hindi nakadadalo sa mga pagdinig sa Senado si De Jesus dahil sa mga problemang pangkalusugan.

Kabahagi rin umano ito sa executive committee na pinaiimbestigahan sa ngayon.

Kasalukuyang nahaharap sa malawakang alegasyon ng kurapsyon ang PhilHealth na ikinadismaya hindi lamang ng mga miymebro, kundi pati na rin mga empleyado.

“Kami rin ay nagugulat na nakarating sa ganitong magnitude ang PhilHealth at ito ay nagdulot nga ng pagkuwestiyon ng mamamayan sa kredibilidad ng korporayon. Sweeping na yung allegations from all quarters na ang mga empleyado ng PhilHealth mga corrupt. Nagagalit sa amin ang mga tao kaya demoralized na mga empleyado, nalulungkot sa pangyayari at very unfair sa mga empleyado na nagtatrabaho araw-araw. We brave the virus para lang mapagsilbihan ang mga miyembro,” diin ni Francisco.

LATEST

LATEST

TRENDING