PNP, tinanggihan ang mungkahi ng mga senador na sibakin ang mga opisyal ng Jolo police

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PNP chief Gen. Archie Gamboa
Kuha ni: Joseph Vidal (Senate PRIB)

Tinanggihan ng pinuno ng Philippine National Police (PNP) noong Agosto 27 ang panawagan ng dalawang senador na tanggalin sa puwesto ang mga opsiyal ng PNP sa Jolo, Sulu matapos ang nangyaring mga pagsabog sa lugar na ikinasawi ng 15 katao noong Agosto 24.

Unless there is sufficient evidence establishing criminal involvement or administrative lapses leading to the attack, the PNP maintains full confidence in our ground personnel (Hangga’t may sapat na ebidensya para patunayang may kriminalidad o administratibong pagkukulang hinggil sa nangyari, pinananatili ng PNP ang kumpiyansa sa aming ground personnel),” ani PNP chief Gen. Archie Gamboa.

Ang dalawang babaeng bombers na mga salarin tungkol sa Jolo town plaza bombing ay ang parehong mga target ng apat na sundalong pinatay ng siyam na pulis noong Hunyo, ayon sa mga opisyal ng militar.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng militar ang sinususpetsahang pagiging magkadugo ng mga bombers at ang siyam na pulis, wika ni Western Mindanao Command chief Major General Corleto Vinluan Jr. 

Matapos ang rebelasyong ito, ipinanawagan nina Sen. Risa Hontiveros at Senate Minority Leader Franklin Drilon ang suspensyon sa buong Jolo police force. 

Hinikayat ni Hontiveros si Gamboa na pangunahan ang PNP nang may paninindigan sa pamamagitan ng pagsibak sa mga opisyal ng Jolo, bago tumungtong sa mandatory retirement na 56 sa susunod na buwan ang PNP chief.

“Habang hindi sila suspendido, does that mean that these officers are still performing their functions and still accessing intelligence materials (ibig bang sabihin na ginagawa pa rin nila ang kanilang tungkulin at may access pa rin sa intelligance materials)? [That is] deeply concerning in terms of risk to our national security (Labis itong nakababahala at maaaring maalanganin ang ating pambansang seguridad),” ani Hontiveros.

Sa halip, ipinag-utos ni Gamboa sa Bangsamoro police at Special Action Force na mag-deploy ng mas maraming kapulisan sa Jolo. 

Tutulong din aniya ang PNP sa pag-analisa ng bomb signature para matukoy ang mga salarin na nasa likod ng mga pagpapasabog.

Unang sinabi naman ng militar na ang mga suspek ay mga asawa ng mga nasawing militanteng nagtrabaho para sa Abu Sayyaf group.

Posible umanong si Abu Sayyaf bomb expert Mundi Sawadjaan ang utak ng naganap na mga pag-atake. Siya rin ang itinuturong may kakagawan sa suicide bombing noong Enero 2019 na ikinasawi ng 21 katao sa isang simbahan sa Jolo, giit ni Vinluan.

Bihira lamang ang suicide attacks sa bansa, subalit nagkaroon na ng lima simula noong Hulyo 2018, kabilang na ang nagyaring mga pagsabog sa Jolo.

LATEST

LATEST

TRENDING