Malacañang, kinokonsiderang mag-live address si PRRD para patunayang maayos ang kalusugan nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Kinokonsidera ng Malacañang ang pagdaraos ng live news conferences ni Pangulong Rodrigo Duterte para patunayang buhay ito at nasa maayos na kalusugan, habang marami ang pumupuna tungkol sa totoong estado ng kalusugan ng pangulo.

We’re talking about it (Pinag-uusapan namin ito),” ani Presidential spokesperson Harry Roque noong Agosto 27 bagama’t hindi nagbigay ng karagdagang detalye.

Hindi pa nakikita sa publiko ang pangulo maliban na lamang sa noong inilahad niya ang kanyang ikalimang State of the Nation Address noong Hulyo. Siya ay kasalukuyang nananatili sa kanyang tahanan sa Davao City nang ilang linggo na.

Noong Agosto 24, inabisuhan si Duterte ng kanyang doktor na malapit na sa Stage 1 cancer ang kanyang iniindang Barrett’s esophagus. Subalit, nilinaw naman ni Roque na matagal na ang nasabing diagnosis ng doktor kung saan inilabas ito noong bago pa maging pangulo ang 75-anyos na si Duterte.

Dagdag pa ni Roque,”fit at healthy” si Duterte para sa kanyang edad.

Ang lingguhang talumpati ni Duterte sa taumbayan ay taped at edited bago pa man ito iere.

Dinipensahan naman ng Palasyo na ginagawa nila ito nang may pahintulot mula kay Duterte.

The President is always consulted. We are editing it because it’s not just an address to the nation, it is also a meeting with select members of the Cabinet. We edit out the portions not for public consumption because you cannot make good policy just on the basis that they are popular policies (Palaging kinokonsulta ang pangulo. Ini-edit namin ito kasi hindi lamang ito talumpati kundi pagpupulong kasama ang piling opisyal ng Gabinete. Inaalis namin ang mga bahaging hindi dapat ipaalam sa publiko dahil hindi tayo gumagawa ng magandang palisya nang nakabatay lamang sa popularidad nito),” paglilinaw ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING