Duterte, naghahanap ng bagong PhilHealth president

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni PhilHealth CEO at President Ricardo Morales, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III noong Agosto 26.

Ayon kay Duque, na siya ring chairman ng PhilHealth, naghahanap na si Duterte ng papalit kay Morales para pamunuan ang ahensyang kasalukuyan ay nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian.

Posible itong pangalanan aniya ngayong linggo.

“Tinatanggap natin at ni Pangulo ang kaniyang pagbibitiw sa pwesto dahil sa kaniyang kalusugan,” ani Duque.

Naghain ng resignation si Morales, na may iniindang lymphoma o cancer of the lymph nodes, noong Agosto 26. Ito ay matapos ibunyag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinagbibitiw ni Duterte si Morales dahil sa kondisyon nito.

Ayon kay Duque, si Duterte lang ang pipili sa susunod na pinuno ng PhilHealth.

Tiniyak naman ng kalihim na bagama’t nagbitiw na sa puwesto si Morales at si Senior Vice President Rodolfo del Rosario Jr, hindi maapektuhan ang operasyon ng PhilHealth at si Executive Vice President and COO Arnel de Jesus ang itinalagang officer in charge ng ahensya.

LATEST

LATEST

TRENDING