AFP, hindi sinusuportahan ang RevGov

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines noong Agosto 27 na hindi nito sinusuportahan ang panawagan para sa pagtatatag ng revolutionary government, dahil labag umano ito sa Saligang Batas at may mostibasyong pulitikal.

Sinabi ng AFP ang kanilang posisyon sa ginaganp na command conference kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay AFP chief Lt. Gen. Gilbert Gapay.

Noong nakaraang linggo, naglunsad ng pagtitipon ang grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee para ipahayag ang pagsuporta sa pagtatatag ng isang pamahalaang rebolusyonayo na pamumunuan ni Duterte.

Layon ng hakbang ang agarang pag-implementa sa pederalismo bago bumababa sa puwesto ang pangulo sa 2022.

It (revolutionary government) was discussed in that conference we had with the President in Davao (Tinalakay ito sa pagpupulong namin kasama ang pangulo sa Davao),” ani Gapay.

Dagdag pa niya, “We just reiterated our position that we do not support this. As far as the Armed Forces are concerned, because we find it unconstitutional. In fact, we find it politically motivated (Inulit namin ang aming posisyon na hindi namin ito sinusuportahan dahil labag ito sa konstitusyon. May motibasyong pulitikal din ito),”

Sa halip na magpatupad ng revolutionary government, idiniin ni Gapay na dapat sundin ng grupo ang prosesong nakasaad sa Konstitusyon tungkol sa pag-amyenda nito kabilang ang constitutional convention, constituent assembly, at people’s initiative.

Samantala, wala pa namang talakayang nagaganap sa Kongreso tungkol sa pag-amyenda sa Saligang Batas dahil nakatuon aniya ang atensyon ng mga mambabatas ngayon sa laban kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING