PRRD kay Robredo: Magpokus sa Covid-19, huwag sa pulitika

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo at Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Jay Ganzon (Manila Bulletin)

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi muna ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo ang pamumulitika at sa halip ay tumulong sa pamahalaan sa laban kontra Covid-19, ayon sa Malacañang noong Agosto 26.

I guess the President is saying, the Vice President is welcome to help. He recognizes this, that she has been helping as far as providing assistance to our people [is] concerned. But right now, set aside politics and continue with helping the people in these very trying times (Bukas naman ang pangulo sa pagtulong ng pangalawang pangulo. Kinikilala niya ang pagtulong nito sa mga tao. Subalit, ngayon isantabi muna ang pulitika at ipagpatuloy ang pagtulong sa mga tao sa panahon ng krisis),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa kanyang taped public address, umapela ang pangulo kay Robredo na iwasan ang pagpapalala sa sitwasyon ng bansa sa pamamagitan ng paglalabas ng mga pahayag na maaari umanong mauwi sa pagkagalit ng taumbayan sa pamahalaan.

Ito ay matapos sabihin ni Robredo na tila “walang lider” ang bansa ngayong panahon ng Covid-19 pandemic.

Ayon naman kay Duterte, ang kahit anumang ilabas na pahayag laban sa mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan kontra Covid-19 ay “makasisira lamang sa gobyerno.”

Sumang-ayon naman si Roque kay Duterte at idiniing dapat tumulong na lang ang mga miyembro ng oposisyon para matiyak ang tagumpay laban sa Covid-19.

Now is not the time for politicking. Now is the time to focus on [Covid-19] (Hindi ngayon ang oras para sa pamumulitika. Ngayon ang oras para magpokus sa Covid-19),” ani Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING