PRRD, ikokonsidera ang pagdedeklara ng batas militar sa Sulu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Ikokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng mga awtoridad na isailalim ang lalawigan ng Sulu sa batas militar matapos ang naganap na mga pagsabog sa Jolo nitong linggo, ayon sa Malacañang noong Agosto 26.

Idiniin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na patuloy ang pakikinig ng pangulo sa kanyang mga on-ground personnel. Gayunpaman, iginiit ni Roque na kailangan munang makapasa ang nasabing rekomendasyon sa pagsusuri ng mga mambabatas at ng hudikatura.

Well the President will of course consider this recommendation as will both Congress and the Supreme Court (Ikokonsidera ng pangulo ang rekomendasyon katulad ng Kongreso at Korte Suprema),” ani Roque.

Dagdag pa nito, “There will have to be notice given to Congress. And Congress will have to be satisfied with both the legal and factual basis for the declaration. And this is without prejudice to the judicial review on both the factual and legal considerations for the imposition of martial law (May notisyang ibibigay sa Kongreso. At dapat aprubahan ng Kongreso ang legal at factual basis ng deklarasyon. At ito ay walang panghihimasok sa pag-review ng hudikatura para sa parehong batayan sa pagdedeklara ng batas militar).”

Nagpahayag naman ng suporta para sa Sulu-wide martial law ang parehong Philippine National Police at Army matapos mangyari ang dalawang pagsabog sa Jolo noong Agosto 24 na ikinasawi ng 15 katao, kabilang na ang mga sundalo at sibilyan. 74 namang iba pa ang sugatan.

Gayunpaman, tinanggihan ng ilang mga mambabatas ang pagsusulong sa batas militar dahil mayroon na aniyang “malakas” na anti-terrorism law sa bansa.

Unang ipinahayag nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi na kailangan ang batas militar dahil tutugunan na ng Anti-Terorrism Act of 2020 ang problema sa Jolo, Sulu.

Sinabi naman ni Roque na baka mahirapan si Duterte na makabisita sa Jolo ngayong panahon, dahil sa sitwasyon sa lugar bukod pa sa Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING