Morales, nagbitiw na bilang PhilHealth president alinsunod sa hiling ni PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PhilHealth CEO at President Ricardo Morales

Ipinahayag ng pangulo ng PhilHealth na susundin niya ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw na sa puwesto.

Unang sinabihan ni Duterte si PhilHealth CEO at President Ricardo Morales na bumaba sa puwesto dahil sa kanyang iniindang karamdaman, ayon sa Department of Justice.

Isusumite aniya ni Morales ang kanyang resignation kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa Agosto 26.

Aniya, “Nagpapasalamat na rin ako sa Pangulo na pinayagan niya akong magpahinga. Maaatupag ko na iyong aking kalusugan at iyong aking pamilya.”

Unang ibinunyag ni Morales, isang dating military general, ngayong buwan na sumasailalim ito cancer treatment.

Inakusahan ng mga whistleblowers si Morales sa isinagawang pagdinig sa Senado hinngil sa mga anomalya ng PhilHealth dahil sa pag-apruba aniya nito ng mga overpriced projects at ang paglalabas ng pondo sa mga pinapaborang mga ospital.

Isang “mafia” rin umano sa loob ng ahensya ang nagbulsa ng aabot sa P15 bilyong pondo nito.

Gayunpaman, tinanggihan ni Morales na mayroong mafia sa loob ng PhilHealth. Pumayag naman ito sa pamamagitan ng pagpirma ng waiver para buksan ang kanyang mga bank records.

Ayon kay Morales, nagsusumite ang PhilHealth ng lingguhang ulat at mga resibo sa Kongreso tungkol sa interim reimbursement mechanism (IRM) o financial aid para sa medical facilities.

I am confident there is not an iota of evidence (Kumpiyansa akong walang ebidensiya),” ani Morales.

Dagdag pa niya, “I am confident that a thorough and fair investigation will clear us out (Naniniwala akong mapapawalang-sala rin kami matapos ang patas na imbestigasyon).”

Sinabi naman ng PhilHealth chief na handa siyang humarap sa anumang kasong kriminal o administratibo na ihahain laban sa kanya.

“Occupational hazard iyan e,” giit ni Morales.

Plano namang bumalik ng dating PhilHealth president sa tahimik na pamumuhay matapos ang resignasyon.

Aniya, “Para akong nabunutan ng tinik. Malaking pasalamat ako sa Pangulo natin… He never wavered in his confidence in me and I am so humbled by his loyalty. Tunay na kaibigan.”

LATEST

LATEST