‘Huwag nang palakihin ang apoy’: PRRD, nagkomento sa naging talumpati ni Robredo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagbigay ng abiso si Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangalawang Pangulo Leni Robredo, isang araw matapos itong maghain ng kritisismo laban sa isinasagawang Covid-19 response ng administrasyon.

Ayon kay Duterte, may bahagi sa talumpati ni Robredo noong Agosto 24 na hindi niya nagustuhan.

Aniya, “Ito namang kay Leni and her ending statement na kung hindi ko daw gawain, gagawin ng gobyerno, gagawin ng tao. Well, sa panahong ito ng pandemic, medyo desperado ang mga tao tapos dagdagan niyo ng mga ganun na wala naman kayong base.”

Babala ng pangulo kay Robredo, “Please do not add fuel to the fire. You will just destroy government (Pakiusap, huwag mo nang palakihin ang apoy. Sisirain mo lang ang gobyerno).”

Naglatag ng 11-point recommendation ang pangalawang pangulo kung paano agarang matutugunan ng administrasyon ang Covid-19 pandemic. Ipinahayag din ni Robredo ang pagkawala umano ng kumpiyansa ng publiko sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan.

“Paanong magkakakumpiyansa, kung sa tuwing magpe-presscon ang liderato, wala tayong linaw na mahinuha?” giit ni Robredo.

Dagdag pa niya, “At kung walang mamumuno, tayo mismo ang hahakbang, tayo mismo ang magtutulungan, tayo mismo ang bibitbit sa isa’t isa.”

LATEST

LATEST