Duterte, nais ilathala sa mga pahayagan ang paggastos ng mga ahensya sa pondo ng bayan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Robinson Niñal, Jr. (Presidential Photo)

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 25 na nais niyang isapubliko ng mga ahensya ang kanilang paggastos sa bawat 15 na araw, kabilang na ang paggastos para sa Covid-19 response.

Dapat umanong ilathala ng mga miyembro n Gabinete sa mga pahayagan kung paano ginastos ng kanilang mga ahensya ang pondo ng taumbayan.

Aniya, “Itong sa Cabinet, another publication sa disbursement nila kung ilan ang ginastos nila ngayong buwan na ito o gusto mo every 15 days para mas maganda. Every 15 days you would know how much a department has disbursed money of the people (Sa bawat 15 na araw, malalaman ng tao kung paano ginastos ng ahensya ang pondo ng taumbayan).”

Dapat din umanong isapubliko ang mga items para sa procurement pati na rin ang pangalan ng mga bidders, dagdag pa ni Duterte.

I would require them to publish in the newspaper (Ire-require ko silang ilathala ang mga ito sa diyaryo), sa tatlong newspapers of general circulation,” giit ng pangulo.

Sinabi ito ng pangulo habang nagpupulong kasama ang piling miyembro ng Gabinte sa Lungsod ng Davao, kung saan nagbabala rin itong ipakukulong ang mga opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang guilty sa paglustay sa pondo ng bayan na dapat ay gagamitin para sa Covid-19 response.

“Pero itong nagnakaw ng pera ng bayan lalo na ‘yung sa Covid-19, they will go to prison. I am sure. ‘Pag wala akong makita na magpakulong, magdampot ako ng 3 sa kanila, kulungin ko. Pilitin ko kulungin para may makulong lang talaga sa p***** i**** ginawa nila dito sa pera ng tao,” ani Duterte.

Ang babala ng pangulo ay kasabay sa paghahanda ng gobyerno para sa ikalawang Covid-19 response na panukalang batas – ang Bayanihan to Recover as One bill.

Niratipikahan na ito ng Kongreso at kinakailangan na lang ng pirma ni Duterte.

“I urge Congress, ilagay na ninyo ang lahat ng safety measures para walang palpak. Kung gusto ninyo ‘yon na, ‘yung sabi ko itong sa newspaper pati ‘yung sa disbursement,” pahayag ng pangulo tungkol sa paglalathala ng mga ulat mula sa mga ahensya.

Kabilang sa bill ang P140-bilyong aid package para sa mga apektadong sektor, at P25.52-bilyong standby fund na maaaring gamitin ng pamahalaan sa susunod na apat na buwan bago maging epektibo ang 2021 badyet.

Katulad ng Bayanihan to Heal as One Act, pinapahintulutan din ang pangulo ng Bayanihan 2 na i-realign ang pondo ng pamahalaan kaugnay sa Covid-19 response.

LATEST

LATEST

TRENDING