DBM, isinumite ang panukalang P4.5 trilyong 2021 badyet sa Kongreso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga mambabatas noong Agosto 25 ang panukalang P4.5-trilyong national budget para sa 2021, ayon kay DBM Secretary Wendel Avisado.

Noong Hulyo, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P4.506-trilyong expenditure plan para sa susunod na taon, na layong tiyakin ang food security at taasan ang investments sa public at digital infrastructure habang patuloy na nakikipaglaban ang bansa sa Covid-19 pandemic.

Ang proposed spending plan ay mas mataas nang 9.9 percent kumpara sa P4.1 trilyong badyet para sa 2020, at katumbas ito sa 21.8 percent ng gross domestic product ng bansa, ayon sa DBM.

Ang malaking bahagi ng badyet ay mapupunta sa edukasyon sa halagang P754.4 bilyon, na sinundan naman ng public works sa P667.3 bilyon.

Ayon sa DBM, nananatiling nakaangkla ang 2021 badyet sa layunin ng pamahalaan na agarang makabangon ang bansa mula sa pinsalang hatid ng pandemiya.

Hence, the bulk of next year’s proposed budget will be provided to the social services sector amounting to P1.664 trillion, equivalent to 36.9 percent (Kaya ang malaking bahagi ng panukalang badyet ay ibibigay sa social services sector sa halagang P1.664 trilyon o 36.9 percent),” pahayag ng ahensya.

Dagdag pa nito, “This includes funding support for programs related to health, social protection, and education. The economic services sector will receive the second highest allocation with P1.347 trillion or 29.9 percent of the proposed budget (Kabilang dito ang pagpopondo sa mga programang pangkalusugan, social protection, at edukasyon. Ang economic services sector ay makatatanggap ng ikalawang pinakamataas na alokasyon sa P1.347 trilyon o 29.9 percent ng panukalang badyet).”

Samantala, niratipikahan naman ng Kongreso noong nakaraang linggo ang ikalawang coronavirus response measure o ang Bayanihan to Recover as One bill, matapos humantong sa resesyon ang bansa sa kauna-unahang pagkakatoon sa loob ng 30 taon dahil sa pagkaparalisa ng ekonomiya bunsod ng ilang buwang lockdown.

LATEST

LATEST

TRENDING