Kamara, niratipikahan na ang ‘Bayanihan 2’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Niratipikahan ng Kamara ang Bayanihan to Recover as One Act, o Bayanihan 2, noong Agosto 24 para tulungan ang pamahalaan sa Covid-19 response.

Ang ₱165.5-bilyong stimulus plan mula na inaprubahan ng bicameral conference noong nakaraang linggo ay inaprubahan sa Kamara, apat na araw matapos unang ratipikahan ng Senado ang panukala.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, susuriin ng Bayanihan 2 ang implementasyon ng mga programa ng pamahalaan na kaugnay sa pandemiya at magbibigay din ito ng emergency aid para sa mga tao.

Mula ngayon, susubaybayan na ng mga mambabatas kung paano i-disburse ng mga ahensya ang inilaang badyet sa pamamagitan ng pinasimpleng “vetting and validation” ng mga reports, kabilang na ang distribusyon ng Social Amelioration Program para sa tiyak na listahan ng mga benepisyaryo.

Delays in disbursing funds to the needy are no longer acceptable (Ang pagkaantala sa disbursement ng pondo ay hindi katanggap-tanggap),” ani Romualdez.

Para naman kay Deputy Speaker Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr., ang panukala ay makatutulong sa pagbangon ng mga negosyong napinsala ng pandemiya.

Sinabi naman ni Speaker Alan Peter Cayetano na matutulungan ng panukala ang mga apektadong sektor at pupunan din nito ang kompensasyon para sa medical frontliners at pondo para sa pagkalap ng medical supplies para mapaigting ng health sector ang testing, contact tracing, at treatment.

Posible naman umanong maisabatas ang bill sa Setyembre kapag naibigay na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa ₱165.5 bilyon ang  ₱25-bilyong standby fund at ₱140 bilyong halaga ng regular appropriations.

Ilaan ang ₱140 bilyon para sa mga sumusunod:

-₱3 bilyon para sa procurement ng face masks, personal protective equipment, shoe covers, at face shields;

-₱4.5 bilyon para sa paggawa ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals, dormitories, at para sa expansion ng gov’t hospital capacity;

-Karagdagang ₱4.5 bilyon para sa Office of Civil Defense o National Disaster Risk Reduction and Management Council isolation facilities at iba pang requirements katulad ng billing sa hotels, pagkain at transportasyong ginamit ng COVID-19 patients;

-₱13.5 bilyon para sa DOH para mag-employ ng emergency Human Resources;

-₱820 milyong pondo para sa OFWs sa ilalim ng Department of Foreign Affairs;

-₱13 bilyon para sa government cash-for-work program at iba pang support programs para sa mga apektadong sektor;

-₱600 milyong subsidies at allowances para sa mga apektadong mag-aaral;

-₱300 milyong subsidies at allowances para sa teaching at non-teaching personnel, at part-time faculty sa state universities and colleges;

-₱180 milyong allowance para sa national athletes at coaches;

-₱39.472 bilyong capital infusion sa government banks, kung saan hahatiin ito sa: ₱10 bilyon para sa ahensya ng Department of Trade and Industry na Small Business Corporation (SBCorp)—kung saan ₱4 bilyon ang ilalaan para sa low-interest loans sa mga micro, small, and medium enterprises, cooperatives, hospitals, at overseas Filipino workers, at ₱6 bilyon para sa turismo;

-₱18.4725 bilyon para sa Land Bank of the Philippines (LBP);

-₱6 bilyon para sa Development Bank of the Philippines (DBP); at,

-₱5 bilyon para sa Philippine Guarantee Corporation.

-₱24 bilyong assistance para sa Agricultural Sector at sa Plant, Plant, Plant initiative ng Department of Agriculture ;

-₱9.5 bilyong assistance sa Transportation industry;

-₱4 bilyon para sa Tourism industry, at karadagang P100M para sa tourist guides training at subsidies;

-₱3 bilyon para sa development ng smart campuses sa bansa;

-₱1 bilyon para sa Technical Educational Skills Development Authority scholarships;

-₱6 bilyon para sa assistance sa mga indibidwal na naipit sa krisis sa ilalim ng DSWD;

-₱4 bilyon para sa digital education ng DepEd;

-₱1.5 bilyong assistance sa local government units, kabilang ang ₱2 bilyong subsidy para sa pagbabayad ng interest ng LGU loans sa government banks;

-₱5 bilyon para sa Department of Interior and Local Government sa pagkalap ng karagdagang contact tracers;

-₱2.5 milyon para sa computer-based licensure ng Philippine Red Cross;

-₱10 milyon para sa research fund ng Health Technology Assessment Council

-₱15 milyon para sa Computational Research Lab ng UP Diliman

Sa ilalim ng ₱25.5 bilyong standby fund, ₱10 bilyon ang ilalaan para sa Covid-19 testing at procurement ng mga bakuna at gamot; at ₱15.5 bilyon naman ang ilalaan bilang additional capital infusion para sa mga pampublikong bangko.

LATEST

LATEST

TRENDING