Duterte, isinusulong ang pederalismo, hindi RevGov

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Dutert

Hindi umano kailangang magtatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pamahalaang rebolusyonaryo para maisakatuparan ang layunin nito para magtatag ng pederalismo sa pamahalaan, paglilinaw ng Malacañang noong Agosto 24.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi inabanduna ni Duterte ang kanyang pangako noong kampanya, subalit hindi nito kinonsidera ang pagtatatag ng revolutionary government.

Aniya, “Hindi naman po iyan kasama sa constitutional options dahil constitutionally elected President po si Presidente Duterte.”

Ipinaliwanag ni Roque na tatlong opsyon lamang ang tinitingnan ng pangulo para amyendahan ang 1987 Constitution: Constitutional Convention (Con-Con), Constituent Assembly (Con-Ass), o people’s initiative.

“One of the three po, any of the three will do para po isulong iyong charter change para sa federalism,”ani Roque.

Dagdag pa niya, “Kung kayo po ay nagkakaroon ng agam-agam na he will stay beyond his term, naku that’s the farthest from the mind of the President and I can assure you that po (iyan po ay pinakamalayo sa isipan ng pangulo).”

“Walang silbi” umano ang revolutionary government ngayong kinakaharap ng bansa ang Covid-19 pandemic.

“So ngayon po, wala pong magiging silbi ang revolutionary government, tuluy-tuloy lang po tayo na ginagawa ang ating mga tungkulin,” giit ni Roque.

LATEST