Duterte, hindi magbibigay ng ‘kahit isang pulgada’ ng teritoryo sa kahit anumang bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinananatili umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang palisiya tungkol sa China subalit hindi ito magbibigay “kahit isang pulgada” ng ating teritoryo sa kahit anumang bansa, paglilinaw ng Malacañang noong Agosto 24.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos akusahan ni Chinese foreign ministry spokesperson Zhao Li Jian ang Pilipinas ng “illegal provocative activities” sa Spratlys sa pamamagitan ng pagpapadala ng bansa ng military aircraft sa lugar.

Aniya, “Consistent naman po ang ating Presidente. He will not give even an inch of our national territory or sovereign rights to any other state (Hindi siya magbibigay ng kahit isang pulgada ng teritoryo o sovereign rights sa anumang bansa).”

Kinilala naman ni Roque na magsasalungat pa rin ang Pilipinas at China hinggil sa kapasyahan ng Hague-based arbitral court noong 2016, subalit idiniin na hindi dapat ito makasagabal sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

“Hindi po magiging dahilan itong unresolved issue sa ating teritoryo bilang hadlang para isulong sa ating diplomatic bilateral relations with China iyong mga bagay na pupuwede namang isulong kagaya po ng kalakal at investments,” ani Roque.

Tumatanggi naman ang Palasyo sa posisyon ng China na pinanghimasukan ng Pilipinas ang seguridad at soberanya nito.

“Siguro po opinyon ng Tsina iyan. Pero tayo po, patuloy po tayong nagpapalipad ng mga supplies papunta po sa Kalayaan, at patuloy po tayong nagpapalipad or nagkakaroon ng overflights diyan po sa Bajo de Masinloc and we maintain also that it’s part of our sovereignty or our sovereign rights,” dagdag pa ni Roque.

Noong Agosto 23, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na China ang may pakana ng mga probaskyon sa South China Sea, kung saan inokupahan nito ang ilang lugar na kasama sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Idiniin ng kalihim na ang mga nagpapatrolyang eroplano at barko ng bansa ay nasa loob ng EEZ, katulad ng pangingisda ng ating mga mangingisda.

They (China) are the ones who have been doing provocations by illegally occupying some features within our EEZ. Hence they have no right to claim they are enforcing their laws (China ang nagsasagawa ng mga iligal na probokasyon sa pag-okupa ng mga teritoryo sa ating EEZ. Hindi nila maaaring sabihin na ipinatutupad lamang nila ang kanilang batas),” giit ni Lorenzana.

Noong nakaraang linggo, naghain naman ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs dahil sa iligal na pagkuha ng Chinese Coast Guard noong Mayo ng ilang kagamitan ng mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal.

LATEST

LATEST

TRENDING