AFP, inabisuhan ang publiko na maging mapagmatyag matapos ang dalawang pagsabog sa Sulu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
AFP spokesperson Marine Major Gen. Edgard Arevalo

Matapos ang dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng siyam katao habang may 16 na sugatan noong Agosto 24, inabisuhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko na maging kalmado, mapagmatyag, at iulat sa kinauukulan ang sinumang kahinahinalang tao o aktibidad.

Ito ay matapos agad na inimbestigahan ng pulis at militar ang naganap na mga pagsabog, kung saan unang nangyari ito noong 11:53 a.m. sa Serrantes Street sa Barangay Walled City, Jolo.

We advise the public to stay calm but be vigilant to monitor and report any suspicious persons or items or unusual activities in the area (Inaabisuhan namin ang publiko na maging kalmado ngunit mapagmatyag at iulat kaagad ang anumang kahinahinalang aktibidad sa lugar),” ani AFP spokesperson, Marine Major Gen. Edgard Arevalo sa isang pahayag.

Sa kasalukuyan, patuloy umano ang pag-evacuate at paggamot sa mga casualties ng mga sundalo habang tinitiyak ang kaligtasan sa lugar.

The (Ang) 11th Infantry Division and the Joint Task Force Sulu are on high alert following this incident (ay naka-high alert matapos ang insidente),” dagdag pa ni Arevalo.

Samantala, inatasan naman ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Archie Gamboa, ang Provincial Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa ilalim ni Brig. Gen. Manuel Abu na tiyakin ang seguridad sa lugar at pabilisin ang imbestigasyon.

Agad namang rumesponde ang mga miyembro ng Jolo Municipal Police Station para i-evacuate at tiyakin ang kaligtasan ng iba pang residente para sa posibleng secondary device/s.

Ayon sa mga ulat, siyam katao, kabilang ang apat na sundalo, ang nasawi sa dalawang magkasunod na pagsabog ng bomba habang patuloy na hinahabol ng mga sundalo ang mga miyembro ng  Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon sa ulat ng pulis at militar, ang mga namatay ay dahil sa unang pagsabog.

Ayon naman sa imbestigasyon ng pulis, isang pagsabog ang nangyari matapos i-park ng isang hindi kilalang tao ang isang motorsiklong may bomba katabi ng isang M35 truck ng 11th Infantry Division.

Ang lugar ng pinagsabugan ay ang karaniwang lugar kung saan ipinaparada ng mga sundalo ang kanilang mga sasakyan tuwing namamalengke.

Ang ikalawang pagsabog ay naganap naman noong 1:06 p.m. sa layong 100 metro mula sa lugar ng unang pagsabog.

Ayon kay Sonny Abing, Sulu provincial information officer, ang mga naing biktima sa ikalawang pagsabog ng bomba ay ang mga rumerespondeng pulis at sundalo.

LATEST

LATEST

TRENDING