Pamahalaan, nagsasagawa ng on-site training at webinars para sa contact tracing: czar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Baguio City Mayor at Contact tracing czar Benjamin Magalong
Kuha ni: JJ Landingin (Manila Bulletin)

Kasalukuyang nagsasagawa ang pamahalaan ng on-site training at webinars para mapunan ang pagkukulang nito sa contact tracing sa gitna ng Covid-19 pandemic, ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong Agosto 23.

Sa lahat ng mga rehiyon, tanging Eastern Visayas at Bangsamoro na lamang umano ang hindi pa nakakatanggap ng training, dagdag pa ng contact tracing czar.

There’s no substitute to being proactive (Walang kapalit sa pagiging handa),” ani Magalong.

Ayon sa alkalde, ang ideal ratio ng virus patients sa traced contacts ay 1:37. Una namang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posible itong gawing 1:20 sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng resources.

Iginiit naman ni Magalong na ginagawa nito ang kanyang makakaya na isulong ang isang 2-page consent document sa buong bansa, kung saan gagawing mandatoryo para sa Covid-19 patients na i-post sa kanilang social media accounts ang kanilang estado para makatulong sa contact tracing.

Maingat din umano si Magalong upang hindi malabag ng kanyang panukala ang Data Privacy Act.

“What we did was to prepare an affidavit of consent, a 2-page document na ipapabasa sa aming positive patient. Dalawa po ang very critical statement doon, at dun po talaga nalalaglag ang loob ng aming mga pasyente–I want to save more lives. I want to keep my community safe,” wika ni Magalong.

Dagdag pa niya, “Pag yan po ang nilagay nila kasama ang post – kasama po yan, kasi tinutulak namin i-track ang kanilang post sa kanilang sariling social media account – talaga pong maganda ang reception sa kanila ng netizens.”

LATEST

LATEST

TRENDING