Motibo sa pagsusulong ng revolutionary gov’t, pinuna

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nagpahayag ng agam-agam ang ilang eksperto at mambabatas hinggil sa plano ng isang grupo na isulong ang pagtatatag ng isang revolutionary government na pamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil posible umano itong makasagabal sa takbo ng tatlong sangay ng pamahalaan.

Para kay Ateneo School of Government dean Ronald Mendoza, posibleng hakbang ito para alisin ang checks and balances sa pamahalaan at kinalaunan ay magbigay daan para sa isang pamahalaang awtoritaryan.

Aniya, “Usually a revolutionary government involves overthrowing a government. Since that’s not your objective, all you’re doing is overthrowing democratic checks and balances. What you really want is authoritarianism. Not rev-gov (Kadalasan sa isang revolutionary government ay ang pagpapabagsak ng pamahalaan. Dahil hindi ito ang layunin, ang ginagawa mo ay sinisira ang checks and balances ng isang demokrasya. Ang talagang gusto mo ay awtoritasyanismo. Hindi rev-gov).”

Itinutulak ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ang pagtatatag ng revolutionary government para mapabilis ang pagsasakatuparan ng mga pangako ni Duterte katulad ng laban kontra katiwalian, pederalismo, at pagpapahinto sa iligal na droga.

Nais ng grupong itayo ang isang sistema ng gobyerno na presidential-federal-parliamentary na magtatagal hanggang Hunyo 30, 2022, ang huling araw ni Duterte bilang pangulo.

“Kaya namin siya tinangkilik and sinuportahan dahil dito sa mga pangako na ‘to, kaya kagaya ng taumbayan kami ngayon ay naghahanap na ng katuparan ng mga ipinangako,” giit ni Bobby Brillante, deputy spokesperson ng MRRD-NECC.

Nilagdaan naman ng ilang mga pinuno sa private sector ang revolutionary government patungo sa pederalismo na pangungunahan ni Duterte.

We need to empower the regions all over the country if we convert the regions into a federal estate (Kailangan nating palakasin ang mga rehiyon sa bansa, kung ico-convert natin ang mga rehiyon sa federal state) then magkakaroon po ng involvement ang lahat ng ito,” ani Guiling Mamondiong, dating pinuno ng TESDA.

Plano ng MRRD-NECC na maglunsad ng isang People’s Initiative at idaan ito sa eleksyon sa darating na Disyembre.

Ayon naman kay dating Supreme Court spokesperson Theodore Te, hindi malinaw kung ano ba talaga ang layunin ng pangkat at sinabing hindi naman ito kailangan. at iginiit na hindi naman daw ito kinakailangan.

Iginiit naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na walang masama sa panagawan ng charter change subalit baka hindi ito naaayon sa panahon.

LATEST