Lorenzana: Iligal na probokasyon sa West PH Sea, kagagawan ng China at hindi ng PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Defense Secretary Delfin Lorenzana

Ipinahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang mga probokasyon sa mga pinag-aagawang lugar sa South China Sea ay mula sa mga Chinese, na iligal na inookupahan ang mga lugar na sakop sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ang tugon ng kalihim sa pahayag ng China na nagsasagawa ng “illegal provocations” ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadala ng patrol aircraft sa Spratlys at reefs na inookupahan ng China.

“Illegal provocations? That area is within our EEZ. Their so-called historical rights over an area enclosed by their nine-line doesn’t exist except in their imaginations (Iyan ay bahagi ng ating EEZ. Sa imahinasyon lamang nila naroroon ang kanilang historical rights hinggil sa nine-line),” ani Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, ang pagpatrolya ng mga sasakyang panghimpapawid ng bansa ay ginagawa sa loob ng EEZ, kung saan dito rin malayang nangingisda ang mga Pilipino.

Our fishermen are within our EEZ and likewise our ships and planes conduct patrol sorties within our area. They (China) are the ones who have been doing provocations by illegally occupying some features within our EEZ. Hence they have no right to claim they are enforcing their laws (Nasa EEZ ang ating mga mangingisda katulad ng pagpatrolya ng ating mga barko at eroplano. China ang nagsasagawa ng probokasyon sa pamamagitan ng iligal na pag-okupa sa ilang mga lugar sa ating EEZ),” dagdag pa ni Lorenzana.

Noong nakaraang linggo, naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs kontra China hinggil sa pagkumpiska ng Chinse Coast Guard noong Mayo sa ilang mga kagamitan ng mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Kinundena rin ng bansa ang mga paghahain ng China ng “radio challenges” sa mga sasakyang panghimpapawid ng bansa na regular na nagpapatrolya sa West Philippine Sea.

LATEST

LATEST