Gordon: PhilHealth, may P500M utang sa Red Cross

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Philippine Red Cross Chairman Sen. Richard Gordon

Tinatayang may utang umanong P500 milyon ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC) bilang kabayaran sa Covid-19 tests, ayon sa chairman ng non-government organization noong Agosto 23.

Nakapagtest aniya ng 557,622 na mga Pilipino para sa Covid-19 ang PRC batay sa datos noong Agosto 21, bilang na mas mahigit sa mga natest ng Research Institute for Tropical Medicine ng pamahalaan, giit ni Sen. Richard Gordon.

Huli umanong nagbayad ang PhilHealth ng P370 milyon, at ang huling billing naman nito noong Agosto 20 ay nasa P19.3 milyon, dagdag pa ng senador.

“Syempre nangangapa na ‘ko. Sabi ko, ‘pag di pa kayo nagbayad nang mabilis, maipipilitan ako, labag man sa kalooban ko, hihinto yan. Sinabi ko na, aabot tayo ng halos P1 billion, ‘di namin kaya yan,” ani Gordon.

Dagdag pa nito, “Malaki pa rin ang utang…Ang collectible P500 million pa.”

Unang sinabi ng senador na ang dahilan kung bakit hindi nakakapagbayad ang state insurance firm sa Red Cross ay bunsod ng kawalan umano ng “kickbacks”, kasabay nang pagbulgar ng Senate investigation sa mga anomalya ng PhiilHealth.

“The objective of the agreement is for PhilHealth to implement a prospective payment mechanism. In other words, nauuna para hindi kakapusin, for the testing rendered by PRC,” paglilinaw ni Gordon.

Hinikayat ng pamahalaan ang PRC na gamitin ang Covid-19 test kits nito, na mas mahal sa presyong P1,332 kumpara sa P936, giit ng PRC chairman.

Noong Agosto 20, inumpisahang ipagbigay-alam ng PRC sa Covid-19 patients ang kanilang test results dahil sa mabagal na distribusyon ng gobyerno.

Aniya, “Nalaman namin, ‘di nila naibibigay… Ngayon, binago namin. Ngayon, talaga computerized na. Ang positive binibigay namin sa DOH dahil sila ang propesor, ang magsasabi at saka binibilang nila ang positive. Hindi ‘ata nagkaintindihan, tumagal dun.”

“Umpisa August 20, magbibigay na kami ng positive, kahit ayaw namin yun,” dagdag pa ni Gordon.

Magbibigay din umano ang PRC ng pagkain para sa pamilya ng mga Covid-19 patients para hindi na lumabas ang mga ito mula sa kani-kanilang mga tahanan.

LATEST

LATEST

TRENDING