Covid-19 curve, posibleng ma-flatten ngayong buwan o sa Setyembre: UP experts

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Luis Liwanag (BenarNews)

Posible umanong ma-flatten ang Covid-19 curve ngayong buwan o sa susunod na buwan, kung saan nangangahulugan itong bababa ang pag-akyat sa bilang ng mga panibagong kaso, ayon sa isang miyembro ng interdisciplinary research group mula University of the Philippines (UP) noong Agosto 24.

Ang Covid-19 reproduction rate  — o ang bilang ng mga taong nahahawa — ay bumaba sa 1.1 mula 1.5 matapos muling ipatupad ang dalawang linggong lockdown sa Metro Manila at apat na karatig-lalawigan nitong buwan, ayon kay Dr. Guido David ng UP OCTA Research Team. 

Ang reproduction rate na mas mataas sa “1” ay nangangahulugang patuloy pa rin ang paglaganap ng sakit; kung mababa naman sa 1, nangangahulugan itong unti-unting nababawasan ang paglaganap.

“Sa ngayon umaasa tayong kaya pa rin iyan: katapusan ng August ma-flatten ang curve, or puwedeng kahit September siguro mangyari iyan,” ani Guido.

Gayunpaman, bagama’t na-flatten na ang curve, posibleng magtagal pa ng isa hanggang dalawang buwan bago maabot ang “very manageable” na level sa bilang ng Covid-19 cases, dagdag pa ni David.

Aniya, “Hindi naman ibig sabihin flatten iyong curve, tapos na… Kaya kailangan, talagang continuous iyong effort natin. Hindi tayo puwedeng magpabaya kasi puwedeng magka-surge ulit iyan.”

Kasalukuyang isinasapinal ng UP OCTA Research Group ang ulat tungkol sa coronavirus hotspots para sa pamahalaan, pahayag ni David.

Pumalo na sa 189,601 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa batay sa datos noong Agosto 23. Sa bilang na tio, 55,236 ang active cases. 

LATEST

LATEST

TRENDING