Roque: PRRD, hindi nanghihimasok sa mga imbestigasyon ng CHR

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Mariing tinanggihan ng Malacañang noong Agosto 22 na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na pigilan ang Commission on Human Rights (CHR) na kumalap ng mga ulat hinggil sa pagpatay ng mga human rights activists sa bansa.

Ipinahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos sabihin ni CHR Commissioner Leah Tanodra-Armamento na natigil ang imbestigasyon ng CHR sa pagkamatay ng 89 human rights defenders dahil sa panghihimasok ni Duterte.

There is no truth to the alleged report that President Rodrigo Roa Duterte instructed the Philippine National Police not to release or share their information to the Commission on Human Rights regarding the recent attacks against right defenders and activists (Walang katotohanan sa alegasyong inatasan ni Pangulong Duterte ang PNP na huwag ilabas o ibahagi ang kanilang impormasyon sa CHR tungkol sa pag-atake laban sa mga aktibista),” ani Roque.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ng CHR sa mga pagpaslang sa human rights defenders at mga miyembro ng progresibong grupo na nangyari sa pagitan ng 2017 at 2019.

Ilan sa mga pinaslang na aktibista at rights defenders ay binansagang mga komunista ng mga awotoridad at isinailalim sa surveillance bago patayin, giit ni Tanodra-Armamento.

Ayon sa commissioner, ang imbestigasyon sa 89 na mga kaso ng pagpatay sa mga human rights ay hindi pa natatapos dahil may “kautusan mula sa pangulo na huwag bigyan ng datos ang Commission on Human Rights” tungkol sa mga pagpatay.

Dagdag pa ni Tanodra-Armamento, hindi na napagkakatiwalian ng mga CHR investigators ang kapulisan, hindi katulad noong nanunungkulan pa ang dating PNP chief na ngayon ay si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Taliwas sa pahayag ni Tanodra-Armamento, “equally interested” din umano ang administrasyong Duterte na mapag-alaman ang identidad ng mga salaring pumaslang sa mga human rights defenders, wika ni Roque.

Tiniyak din ni Roque na iginagalang ni Duterte ang rule of law dahil abogado rin ang pangulo.

He (Duterte) wants the wheels of justice to grind, for the sake of the victims of abuse and violence and their families (Gusto niyang makamit ang hustisya para sa mga biktima ng pang-aabuso at karasahan, at para sa kanilang mga pamilya),” dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo.

Samantala, tinanggihan din ng PNP ang alegasyon ng CHR.

The Philippine National Police categorically denies that President Rodrigo Duterte issued any order prohibiting the release of information or data with regard to the ongoing investigation on the recent attacks against rights defenders and activists (Tinatanggihan ng PNP na nag-utos si Pangulong Duterte na huwag maglabas ng impormasyon o datos na may kaugnayan sa imbestigasyon ng mga pag-atake sa mga aktibista at rights defenders),” pahayag ng PNP Public Infomation Office.

Strikto rin umanong sinusunod ng PNP ang lahat ng procedures batay sa Rules on Evidence at Data Privacy Law na layong protektahan ang identidad ng mga sangkot habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Idinagdag din ng PNP na hindi sila maaaring magbigay ng detalye nang walang pahintulot mula sa assigned prosecutor kung nakapaghain na ng kaso sa prosecutor’s office.

Ayon sa PNP, malayang maglunsad ng sariling imbestigasyon ang CHR.

This is independent and separate from the standard protocols of the Philippine National Police (Ito ay iba pa sa standard protocols ng PNP),” giit ng pulisya.

LATEST

LATEST

TRENDING