Quarantine pass, kailangan pa rin sa ilang bahagi ng Metro Manila

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Bagama’t umiiral na ang general community quarantine (GCQ) sa Kalakhang Maynila, nilimitahan pa rin ng karamihan ng mga pamahalaang lokal nito ang mga taong maaaring lumabas mula sa kani-kanilang mga tahanan.

Mahigit kalahati ng Covid-19 cases sa bansa ay matatagpuan sa National Capital Region (NCR) kahit na pinagaan na ng mga opisyal ang quarantine protocols sa rehiyon alinsunod sa planong pagbubukas ng ekonomiya.

Sa 17 local government units (LGUs) sa Kamaynilaan, sampu ang nagre-require sa mga residente na bitbitin pa rin ang kanilang mga quarantine passes sa pagpasok sa palengke, malls, at iba pang establisyementong komersyal.  Ang mga ito ay:

– Caloocan

– Las Piñas

– Malabon

– Mandaluyong

– Navotas

– Parañaque

– Pasay

– Pateros

– Quezon City

– Valenzuela

Sa ilalim ng GCQ guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), hindi maaaring lumabas ang mga edad 21 pababa at 60 pataas maliban na lamang kung bibili ng mga pangunahing produkto katulad ng pagkain at gamot.

Limitado pa rin ang mga mass gatherings sa sampung katao, at ipinatutupad din ang 8 p.m. hanggang 5 a.m. na curfew sa buong Metro Manila.

LATEST

LATEST

TRENDING