PNP, mariing tinanggihan ang pagtatatag ng revolutionary government

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Michael Varcas (The Philippine STAR)

Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) noong Agosto 23 na hindi nito susuportahan kahit kailan ang pagtatatag ng isang revolutionary government, matapos maglunsad ng people’s inititaive ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte para rito.

Kinumpirma ni PNP chief Dir. Gen. Archie Gamboa na nakatanggap siya ng imbitasyon para makipagpulong sa grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC).

Ayon sa grupo, layon ng pagpupulong na mailatag ang mga aktibidad na may kaugnayan sa inisyatibong nais nilang isakatuparan.

The PNP remains true and loyal to the Constitution. We will continue to uphold it and obey legal orders from the duly constituted authorities (Nananatiling matapat ang PNP sa Saligang Batas. Patuloy naming susundin ang mga ligal na utos mula sa tamang awtoridad),” pahayag ng PNP.

Dagdag pa, “The PNP will never support any move to establish a revolutionary government. We urge the public not to be distracted amid our fight against pandemic (Hindi susuportahan ng PNP ang pagtatatag ng pamahalaang rebolusyonaryo. Hinihikayat namin ang publiko na huwag malito sa laban kontra Covid-19).”

Batay sa plano ng pangkat, ang revolutionary government ay maglilingkod hanggang Hunyo 30, 2022, ang pagwawakas ng termino ni Duterte.

Binatikos naman ang panukala, habang sinabi ng ilang mga mambabatas na hindi na kailangan ng ganitong hakbang.

Don’t us (Huwag kami),” diin ni Sen. Kiko Pangilinan sa Twitter.

Dagdag pa ng senador, “Revgov na pamumunuan din nila? Eh yung pamumuno nga sa pagsugpo ng Covid nauwi sa daang libung nagkakasakit, libulibu ang namamatay, milyun milyon ang nawalan ng trabaho at ginugutom at bilyun bilyong pisong nakawan tapos sila pa rin ang mamumuno??”

Samantala, tinweet naman ni Sen. Sonny Angara ang mga hashtags na #noTOREvGov #yestotheConstitution.

Taliwas din daw umano sa Konstitusyon ang pagtatatag ng revolutionary government at dapat itong ikundena, ayon naman sa Integrated Bar of the Philippines.

LATEST

LATEST

TRENDING