Mga records ng PhilHealth, naisalba matapos ang pagtagas ng bubong

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Agosto 22 na karamihan sa mga dokumento ng PhilHealth Ilocos region ang naisalba matapos tumagas ang bubong nito, subalit hindi pa tiyak ang kondisyon ng mga records na nakalagay sa mga basang computer.

It appears that many of the records have been saved but the computer hardware and equipment were exposed to rainwater leaks (Maraming records ang naligtas, subalit nabasa naman ng ulan ang computer hardware at equipment),” ani Guevarra, na pinangungunahan ang task force na nag-iimbestiga sa mga algeasyon ng katiwalian at iregularidad sa PhilHealth.

Dagdag pa ng kalihim, “We will know the extent of the damage and its impact on the ongoing investigations once the computer system is run again (Aalamin natin kung gaano kalaki ang damage at kung ano ang epekto nito sa isinasagawang imbestigasyon kung maayos na ang computer system).”

Ayon kay Gueverra, agad niyang inatasan ang National Bureau of Investigation na protektahan at isalba ang lahat ng records mula sa opisina ng PhilHealth sa Dagupan City, Pangasinan, at sa iba pang mga rehiyon.

Tiniyak naman ni PhilHealth Regional Vice President Alberto Manduriao sa isang pahayag noong Agosto 21 na intact ang lahat ng mga dokumento matapos ang nangyaring insidente noong Agosto 19 na nakuhanan ng video. Tinanggihan niya ang mga agam-agam ng mga senador na sinadya ang pagtagas ng bubong para sirain ang mga ebidensiya.

We have always been cooperative in all probes by authorities and our office is open to any investigation (Palagi kaming nakikipagkooperasyon sa lahat ng imbestigasyong ipinatutupad ng mga awtoridad),” giit ni Manduriao.

Sinabi naman ni Guevarra na may nakitang kakaiba ang NBI personnel na nag-imbestiga sa tanggapan ng PhilHealth.

The NBI agents noticed that the rain gutters of the building were clogged and saw a piece of cloth stuck in the opening of the drain pipe (Nakita ng NBI agents na barado ang rain gutters ng gusali at may piraso ng tela sa bukana ng drain pipe),” wika ni Guevarra.

Bagama’t idinahilan ng PhilHealth ang pagtagas sa malakas na pag-ulan, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na hindi ito nagmula sa natural na pangyayari. Ayon sa senador, nakatanggap siya ng impormasyon na bagong okupado ang gusali, at naapektuhan ng pagtagas ang inventory ng mga dokumento sa IT at accounting departments.

A video of the incident shows the ceiling was new. How come there was a leak (Pinapakita sa video na bago ang bubong. Bakit may tagas)?” tanong ni Lacson said.

Posible naman umanong matulad ang kapalaran ng mga nasa likod ng “coverup ” sa mga PhilHealth executives na ginisa sa mga pagdinig.

LATEST

LATEST

TRENDING