Face shield, required na sa malls atbp. nakasaradong establisyemento

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Tribune

Ipinag-utos ng pamahalaan na gawing mandatoryo ang pagsusuot ng face shields hindi lamang sa mga pampublikong transportasyon at lugar na pinagtatrabahuhan, kundi pati na rin sa mga sa mga enclosed o nakasaradong establisyemento katulad ng malls.

“Dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishments, gaya po ng mga malls,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque, na tagapagsalita rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), noong Agosto 21.

Mariing hinikayat ng IATF noong nakaraang buwan ang pagsusuot ng face shields, bagama’t hindi required, sa lahat ng pampublikong lugar bilang karagdagang proteksyon kontra Covid-19 na naipapasa sa pamamagitan ng respiratory droplets.

Batay sa huling datos, pumalo na sa mahigit 178,000 katao ang nagpopositibo sa nakamamatay na sakit sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING