Duque, tumangging iwasto ang komento ni PRRD sa paggamit ng gasolina bilang face mask disinfectant

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inamin ni Health Secretary Francisco Duque III na pinili niyang hindi iwasto ang mga mali at taliwas sa siyensiyang naging komento ni Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t ikakapahamak ito ng publiko.

Sinabi ni Duque sa town hall webinar ng University of the Philippines noong Agosto 21 na dapat ibatay ang mga pagpapasya tungkol sa Covid-19 sa siyensiya.

“Hindi naman. Unang-una si presidente can be playful,” depensa ni Duque.

Dagdag pa niya, “Nag bibiro siya parang hindi na tayo nasanay apat na taon na si presidente.”

Isa sa mga komentong ipinahayag ni Duterte ay ang pagsabing dapat i-disinfect ng publiko ang kanilang face masks sa pamamagitan ng gasolina, bagay na hindi sinang-ayunan ng mga medical experts.

Sinabi naman ng ibang mga opisyal na biro lamang ito ng pangulo.

Subalit, nilinaw ni Duterte na seryoso siya sa mungkahi niyang gamitin ang gasolina bilang face mask disinfectant.

LATEST

LATEST