
Inaprubahan na sa bicameral conference committee ng Kongreso noong Agosto 20 ang pinal na bersyon ng panukalang Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2, na layong ibangon ang ekonomiya ng bansa na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committe on Finance at miyembro ng bicam, ang huling bersyon ng panukala ay maglalaan ng ₱140 bilyong badyet para tulungan ang mga apektadong sektor bunsod ng pandemiya.
Inaprubahan din umano ng mga mambabatas ang karagdagang ₱25 bilyong standby fund, dagdag pa ni Angara.
Inaasahang raratipikahan ng congressional panel ang bill sa parehong araw, giit ng senador.
Ang unang Bayanihan Act, o Bayanihan to Heal as One Act, ay nagbigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-realign ang national budget bilang pagresponde sa pandemiya.