Ilang establisyemento sa Maynila, ipinasara dahil sa pagbansag sa lungsod bilang lalawigan ng China sa mga produkto nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Facebook page ni Manila Mayor Isko Moreno

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno noong Agosto 20 ang pagpapasara ng ilang establisyementong nagbebenta ng beauty products, kung saan ipinapakita sa label nito na lalawigan ng China ang Maynila.

Una itong ibinunyag ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles, bagay na nag-udyok sa Manila City Hall na ipasara ang dalawang establisyemento sa Binondo at isa naman sa isang Divisoria mall.

Natagpuan ng city officials ang dalawang tindahan sa Binondo na sarado na. Kaya naman nagpaskil ang mga ito ng closure notices sa rollup steel doors ng nasabing mga establisyemento.

“Wala pong Binondo sa China, ang Binondo sa Maynila. ‘Yan ay isang malaking insulto sa atin at hindi tayo papayag,” giit ni Manila bureau of permits director Levi Facundo.

Ipag-uutos ng bureau sa mga establisyemento na ipakita ang kanilang permit na galing sa Mayor’s Office, Manila Health Department, at Food and Drug Administration, at iinspeksyunin din ang mga produkto ng mga karatig na tindahan, dagdag pa ni Facundo.

“Do not misrepresent. Tingnan po ang binibili niyo, kayo po ang magiging liable d’yan dahil kayo ang nagbebenta,” babala ni Facundo sa distributors.

Dagdag pa niya, “Tingnan natin kung ang ibinebentang produkto ay may lisensiya coming from FDA, higit sa lahat ‘yung labels bantayan po natin.”

Unang nadiskbure ni Nograles ang isang distributor bilang Elegant Fumes Beauty Products, na pag-aari umano ng isang Chinese national.

It is truly refreshing to know that Mayor Isko chose to take action even as some government officials simply dismiss this incident as a ‘kalokohan’ that must be ignored (Nakakatuwang pinili ni Mayor Isko ang umaksyon habang ang ilang mga opisyal ay itinuturing lamang na ‘kalokohan’ ang nangyaring insidente at hindi dapat pagtuunan ng pansin),” diin ng mambabatas.

Ayon kay Nograles, dumulog siya sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa FDA para paimbestigahan ang insidente at hinikayat din ang mga kapwa mambabatas na patawan ng parusa ang mislabeling ng consumer products.

LATEST

LATEST

TRENDING