Duque, may ‘zero tolerance’ umano sa kurapsyon, tinanggihang nawalan ang PhilHealth ng P150B dahil sa katiwalian

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Secretary Francisco Duque III

Tinanggihan ni Health Secretary Francisco Duque III noong Agosto 18 na nawalan ng bilyun-bilyong piso ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa katiwalian, sabay paggiit na may “zero tolerance” ang administrasyon para sa kurapsyon.

Ayon kay Duque, na dumalo sa ikatlong pagdinig ng Senate Committee of the Whole tungkol sa mga anomalya ng PhilHealth, wala umanong impormasyon sa huling annual report na inilathala ng Commission on Audit (COA) na magpapatunay na nawalan ang PhilHealth ng ₱154-bilyon.

I have clarified this before with the (Niliaw ko ito sa) Blue Ribbon committee last year… But I will repeat it to set the record straight. There is no such thing as a ₱154-billion loss (Subalit, uulitin ko. Walang nawalang P154 bilyon),” ani Duque.

Dagdag pa ng kalihim, “In fact, I am presenting it to you this June 10, 2020 letter from the COA chairman confirming that there is no such finding in the published COA annual audit reports (Sa katunayan, ipinapakita ko sa inyo itong June 10, 2020 na liham mula sa COA chairman bilang patunay na walang ganitong finding sa COA annual audit reports).”

Iginiit din ni Duque na may “zero tolerance” siya para sa panloloko at kurapsyon, at nakipagkoordinasyon umano siya sa National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraan para paimbestigahan ang mga posibleng iregularidad sa PhilHealth.

Tiniyak din ng kalihim na hindi pa naglalabas ang pamahalaan ng pondo para sa kontroberysal na P2.1 bilyong information and communication technology project ng PhilHealth, dahil nasa “proposal stage” pa lamang ito.

Gayunpaman, ipinahayag ng isang dating opisyal ng PhilHealth na madaling matutukoy ni Duque ang mga anomalya sa PhilHealth dahil sa “institutional knowledge” ng kalihim sa ahensya.

Itinuring din ng dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth na si Thorrsson Keith si Duque bilang “godfather” ng PhilHealth mafia, dahil siya mismo ang nag-apruba sa appointments ng mga miyembro nito.

LATEST

LATEST

TRENDING