DILG, ipinagtanggol ang bagong kautusan tungkol sa motorycle barriers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Marianne Bermudez (Inquirer)

Dinipensahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang bagong alituntunin ng pamahalaan hinggil sa paggamit ng mga motorcycle barriers. 

Ito ay matapos inanunsyo ng departamento na maaari nang hindi gumamit ng barrier ang mga magka-angkas na mag-asawa o nakatira sa iisang bahay.

Nilinaw naman ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na puwede pa rin namang gamitin ang mga motorcycle barrier kung ang gagamit na magkaangkas ay mag-kamag-anak na hindi magkasama sa bahay. 

Aniya, “Hindi po talaga sayang ‘yang barrier na ‘yan kasi po yan ay implementasyon lamang noong ating physical distancing rules.”

Maaari rin umanong gamitin ang barrier kung hindi authorized persons outside residence (APOR) ang sasakay sa motorsiklo. 

Unang ipinag-utos ng IATF ang paggamit ng motorcycle barrier para sa mga magkaangkas sa motorsiklo para matiyak ang physical distancing na pangontra sa Covid-19.

Subalit, nagpagpasyahan ng gobyerno noong Agosto 18 na maaari nang hindi gumamit ng barrier ang mga magkaangkas na parehong nakatira sa iisang tahanan.

Ikinagalit naman ito ng ilang mga riders dahil tila nasayang lamang ang kanilang pera sa pagbili ng mga naturang barrier.

LATEST

LATEST