WHO, hinikayat ang mga bansa na huwag lamang maghintay sa pagdating ng Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Russian Direct Investment Fund,

Hinikayat ng World Health Organization (WHO) ang mga bansa na magpokus sa pagpapaigting ng kanilang pagresponde sa Covid-19 sa halip na maghintay na lamang sa pagdating ng bakuna.

Kasalukuyang nagkukumahog ang mga siyentipiko sa buong mundo na gumawa ng bakuna laban sa nakamamatay na sakit.

Subalit, nagbigay naman ng babala si Dr. Takeshi Kasai, WHO Western Pacific regional director, tungkol sa bilis ng vaccine development.

Aniya, “Even if they can really manage and develop safe and effective vaccine, the production capacity would not really meet the demand coming from the entire world (Kahit makagawa sila ng ligtas at epektibong bakuna, hindi pa rin matutugunan ng produksyon ang demand mula sa buong mundo).”

I think what is important is that we continue to improve our response and not just hope for the vaccine (Ang mahalaga sa ngayon ay paigtingin ang ating pagreponde at hindi lamang maghintay sa pagdating ng bakuna),” dagdag pa ni Kasai.

Para naman kay Pangulong Rodrigo Duterte, tanging bakuna lamang ang susi sa pagbabalik ng bansa sa normal na pamumuhay.

Unang dumulog ang pangulo sa China na bigyang prayoridad ang Pilipinas kung makagawa na ito ng bakuna. Noong nakaraang linggo, ipinahayag naman ng Malacañang na nakatakdang ma-umpisa ang Phase 3 clinical trials ng Russian Covid-19 vaccine na Sputnik V sa Oktubre.

Kung magiging matagumpay ang nasabing trials, posible itong mairehitsrto sa Food and Drug Administration (FDA) sa April 2021.

Iginiit naman ng Russia na epektibo ang kanilang bakuna kahit na hindi ito sumailalim sa malawakang clinical trials.

Ayon naman kay Doctor Socorro Escalante, WHO Essential Medicines and Health Technologies coordinator, dapat sumunod sa safety and efficacy standards ang mga gumagawa ng bakuna.

Para naman sa WHO regional director, “hindi mahalaga” na Pilipinas ang nangunguna sa bilang ng Covid-19 cases sa Western Pacific region.

Ang dapat umanong pagtuunan ng pansin ng Pilipinas sa ngayon ay ang pagtiyak na hindi babagsak ang sistemang pangkalusugan ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING