Walong senador, may 100% attendance sa 18th Congress

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Walong mga senador ang nakapagtala ng complete attendance sa unang regular na sesyon ng 18th Congress, batay sa inilabas na Senate record noong Agosto 20.

Ang mga senador na ito ay nakadalo sa lahat ng 67 roll calls ng sesyon mula Hulyo 22, 2019 hanggang Hunyo 24, 2020:

· Senador Nancy Binay

· Senador Ronald “Bato” dela Rosa

· Senate Minority Leader Franklin Drilon

· Senador Sherwin Gatchalian

· Senador Risa Hontiveros

· Senate President Vicente Sotto III

· Senador Joel Villanueva

· Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri

Sa walong pinangalanan, tanging sina Sotto at Zubiri ang dumating nang oras para sa pag-uumpisa ng mga sesyon.

Sina Binay, Dela Rosa, at Drilon naman ay dumating apat na beses matapos ang roll call, habang si Hontiveros ay tatlo, at dalawa naman kay Villanueva.

Nakadalo naman sa 66 roll calls sina Sen. Sonny Angara, Sen. Christopher “Bong” Go, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Imee Marcos, at Sen. Francis Tolentino.

Sina Sen. Grace Poe, Sen . Ralph Recto, at Sen. Cynthia Villar ay present sa 65 days, at may dalawang absences.

Sina Sen. Pia Cayetano, Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, at Sen. Ramon “Bong” Revilla ay present sa 63 days, habang 62 days nama sina Sen. Richard Gordon at Sen. Manny Pacquiao.

59 sessions naman ang dinaluhan ni Sen. Lito Lapid, na may dalawang lokal na misyon at anim abroad.

Si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ay present lamang sa 58 session days. Siya ay naghain ng dalawang sick leaves at nagkaroon ng tatlong local official missions.

Samantala, ang naka-detain na si Sen. Leila de Lima ay may zero attendance dahil sa pagkakakulong bunsod ng isinampang kasong may kaugnayan sa iligal na droga noong Pebrero 2017.

LATEST

LATEST

TRENDING