Inanunsyo ng Malacañang noong Agosto 19 na ipapatupad ang unified curfew ng mga local government units sa Metro Manila simula 8 P.M. hanggang 5 A.M.
“I understand the mayors voted. There was a majority, that the curfew hours should be 8 [pm] to 5 [am] (Nauunawaan kong pinagbotohan ito ng mga alkalde. Majority ang nagsabing dapat 8pm hanggang 5pm ito),” ani presidential spokesman Harry Roque.
Ayon kay Roque, tinalakay ito ng IATF noong Agosto 18.
Muling isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan sa general community quarantine (GCQ) matapos itong isailalim sa striktong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa loob ng 13 na araw.