Hindi dumalo sa ikatlong pagdinig ng Senado tungkol sa mga pinaghihinalaang iregularidad ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) ang pangulo nitong si Ricardo Morales at isa sa mga vice presidents ng ahensya noong Agosto 18.
Nagpadala ng excuse letters sina Morales at PhilHealth Executive Vice President Arnel De Jesus sa Senado para magpaalam na hindi sila makadadalo sa pagdinig.
“We have received a message from Gen. Morales that he is on medical leave… Arnel de Jesus also sent a letter (Nakatanggap kami ng mensahe mula kay Gen. Morales na naka-leave ito… Nagpadala rin ng liham si Arnel de Jesus),” ani Senate President Tito Sotto.
Naunang sinabi ni Morales na sumasailalim siya sa chemotherapy para sa sakit na lymphoma, habang may diabetes at sakit sa puso naman si De Jesus.
Ang mga opsiyal ng PhilHealth ay nahaharap sa imbestigasyon tungkol sa maanomalyang interim disbursement mechanism ng ahensya, at kung bakit ibinigay ang bilyun-biyong pondo nito sa mga dialysis centers at maternity clinics sa halip na igugol para sa Covid-19 patients.