Duque: Walang ‘palakasan’ sa PhilHealth IRM

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Secretary Francisco Duque III

Wala umanong “palakasan” sa paglabas ng pondo mula sa interim reimbursement mechanism o cash advance payments para sa mga healthcare facilities na naapektuhan ng Covid-19, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III noong Agosto 18.

On the allegations of ‘palakasan’ (patronage) system on the release of the IRM, we assure you there is none (Sa mga alegasyon ng palakasan sa paglabas ng IRM, tinitiyak naming walang ganito),” ani Duque, na siyang chairman ng PhilHealth Board of Directors, sa Senate Committee of the Whole sa ikatlong pagdinig hinggil sa isyung kinakaharap ng PhilHealth.

Sa naunang mga pagdinig, sinabi ng ilang mga senador ang posibilidad ng paboratismo sa IRM fund releases, dahil mas mabilis umanong nakakukuha ang ilang mga healthcare facilities kahit wala naman itong mga Covid-19 patients.

Ito ay isa lamang sa mga isyung kinakaharap ng ahensya katulad ng inequitable distribution at liquidation na nag-udyok sa PhilHealth na pansamantalang suspendehin ang implementasyon ng cash advance payment scheme.

Sinabi ng PhilHealth noong nakaraang linggo na ire-review nito ang IRM implementation, na maaaring magtagal nang dalawang linggo o higit pa.

Layon ng IRM na matulungan ang lahat ng health service providers para matiyak ang liquidity para sa pagpapatuloy ng operasyon sa kasagsagan ng  fortuitous events katulad ng Covid-19 krisis.

Ayon kay Duque, “IRM funds are not exclusive to those catering to COVID-19 patients. It is for all healthcare institutions caring for all patients during a pandemic (Hindi eksklusibo ang IRM funds para sa Covid-19 patients. Ito ay para sa lahat ng healthcare institutions na tumutugon sa lahat ng pasyente ngayong pandemiya).”

LATEST

LATEST