Drilon, sinisi si Duque tungkol sa sitwasyon ng Covid-19 sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senate Minority Leader Franklin Drilon

Sinisi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon noong Agosto 18 si Health Secretary Francisco Duque III  dahil sa “poor health management” na ipinapakita nito dahil sa pagkakaroon ng libu-libong namatay bunsod ng Covid-19 pandemic sa Pilipinas, na nangunguna rin sa pinakamataas na Covid-19 cases sa Southeast Asia.

Ang kawalan ng “urgency” ng kalihim ay nagresulta aniya sa halos 3,000 mga nasawi at 164,000 Covid-19 cases, giit ni Drilon sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole tungkol sa alegasyon ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).

His lack of urgency has led the country down a road paved with literal deaths of our citizens (Ang kawalan ng urgency ay nagresulta sa pagkamatay ng ating mga mamamayan),” ani Drilon.

Dagdag pa ng senador, “When the Health secretary spends official time handing out washable face masks, acting like a candidate for office, instead of the country’s top Health official in the middle of a health emergency, we really have a problem (Kapag ginagamit ng health secretary ang kanyang opisyal na oras sa pamimigay ng washable face masks, na tila parang kumakandidato, sa halip na maging pangunahing opisyal sa gitna ng health emergency, talagang may problema).”

Idiniin ni Drilon na nag-atubili si Duque noong unang bahagi ng taon na pagbawalan ang China na magtungo sa Pilipinas bagama’t lumaganap na ang Covid-19 sa lungsod ng Wuhan.

Ang unang naitalang kaso ng Covid-19 sa bansa ay mula sa mga turistang galing Wuhan, kung saan unang natuklasan ang nakamamatay na sakit.

This was even after local quarantine authorities stopped 5 Chinese tourists with fever from entering ports in Kalibo and Cebu (Ito ay kahit pinagbawalan na ng mga awtoridad ang 5 Chinese tourists na may lagnat na pumasok sa mga pantalan ng Kalibo at Cebu),” diin ng senador.

As late as March 6, the Secretary of Health was still advising the general public not to wear face masks (Kahit noong Marso 6, inaabisuhan pa rin ng kalihim ang publiko na huwag magsuot ng face masks),” dagdag pa ni Drilon.

Ayon sa Senate Minority Leader, si Duque ang dapat sisihin sa mga naiuulat na iregularidad sa PhilHealth dahil miyembro ito ng PhilHealth board simula 2001.

Sinabi naman ni Duque na kaisa niya ang mga senador sa pagpapanagot sa mga opisyal ng pamahalaan.

Naunang ipinanawagan ng mga senador ang pagbibitiw ni Duque bilang pinuno ng Department of Health (DOH) dahil sa umano’y pagkukulang nito para tugunan ang Covid-19 pandemic.

Gayunpaman, nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalihim ng DOH.

LATEST

LATEST

TRENDING