Roque: Duterte, maayos ang kalusugan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at sumasailalim ito sa regular na reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) o swab tests, ayon sa Malacañang noong Agosto 17.

Tinanggihan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umalis ng bansa ang pangulo dahil sa mga kumakalat na balitang lumipad patungong Singapore si Duterte nitong weekend para sa emergency medical treatment.

Aniya, “Fake news po yung pag-alis ng Pilipinas ng ating Presidente. Nananatili po siya sa Davao. Hindi po siya umaalis ng Pilipinas and his health is fine.”

Para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ni Duterte matapos magpositibo sa Covid-19 ang isang opisyal ng kanyang Gabinete, sinabi ni Roque na birtuwal ang gaganaping pagpupulong ng pangulo sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Lunes, Agosto 17.

“Kung kami po’y di nagtuloy ng Davao kasi nag-positive nga si (Interior) Secretary (Eduardo) Año, it’s just concern also for the health of the President and in compliance with health protocols (Ito ay para matiyak ang kalusugan ng pangulo at masunod ang health protocols),” ani Roque.

Nagpasya ring mag-self-isolate ang ilang miyembro ng Gabinete kabilang na si Roque.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, nasa “perpetual isolation” ang pangulo kung saan nangangahulugan itong hindi siya maaaring lapitan ng kahit sinuman. Dapat aniyang panatilihin ang anim na talampakang distansiya at pagsusuot ng face shield at face mask kung lalapit sa kanya.

Bilang karagdagang pag-iingat, regular ding sumasailalim si Duterte sa RT-PCR or swab tests.

He does undergo (Sumasailalim siya sa) regular PCR tests. Nagrereklamo nga siya dahil paulit-ulit na iyong pagsundot sa ilong niya,” wika ni Roque.

LATEST

LATEST