PhilHealth: Wala pang ‘hard evidence’ laban sa mga tiwaling opisyal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Sinabi ng Philippine Health Insurance, Corp. (PhilHealth) noong Agosto 17 na wala pang “hard evidence” para patunayang sangkot sa mga maanomalyang aktibidad ang mga opisyal ng ahensya, ayon sa ilang whistleblowers sa Senate hearing. 

Naunang sinibak umano ng PhilHealth ang ilang mga empleyadong nakipagsabwatan sa mga ospital at doktor hinggil sa mga maanomalyang transaksyon. Sinampahan din ng mga kaso ang mga ito, ayon kay PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo. 

Aniya, “We already said there is insurance fraud. Matagal na po namin iyang ina-address.”
     
“Pero as to collusion with employees, wala pa tayong hard evidence on that,” dagdag pa ni Domingo. 

Inakusahan ng mga whistlblowers sa ginanap na pagdinig sa Senado ngayong buwan ang ilang opsiyal ng PhilHealth na paulit-ulit umanong inaprubahan ang paglabas ng pondo para sa mga pinapaborang mga ospital, bumili ng overpriced procurements, at nagbulsa ng aabot sa P15 bilyong pondo ng ahensya.

Samantala, sinuspinde naman ng korporasyon ang advance deposits nito para sa mga ospital noong nakaraang linggo.

Iginiit ni Domingo na hindi ito makakaapekto sa mga miyembrong nangangailangan ng medical coverage.

“The effect is on the hospitals na may problem sa financial liquidity nila,” ani Domingo.

Dagdag pa niya, “We hope to be able to address all the issues within 2 weeks (Inaasahan naming mareresolba ang mga isyu sa loob ng dalawang linggo).” 
 
May balak din aniyang magsagawa ng reorganization ngayong taon ang ahensya.

LATEST

LATEST

TRENDING