Duterte, muling binanatan ang mga human rights advocates

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Muling bumirada si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga human rights advocates dahil sa kanilang kritisismo sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Ikinagalit ni Duterte ang pagpokus lamang umano ng human rights defenders sa body count ng mga nasawi mula sa nasabing kampanya.

Aniya, “Napakatorpe naman nitong human rights pag hindi kayo nag-ano… ano ang ano ninyo magbilang lang ng patay? Aba maglipat kayo ng trabaho, wag sa human rights.”

Kinuwestyon din ng pangulo ang totoong motibo ng human rights advocates na mariing sumasalungat sa war on drugs, at iminungkahing magsagawa ang mga ito ng nationwide campaign kung paano nakamamatay ang iligal na droga.

What about the social problem, the serious and grave problems of drug addiction in this country? What are you doing about it? If they are killed in spite of educating them, you can always investigate and file cases (Paano ang problemang panlipunan? ang seryosong problema ng adiksyon sa bansa? Ano ang ginagawa niyo tungkol dito? Kung mapapatay sila bagama’t tinuruan, puwede kayong maghain at magsampa ng kaso),” giit ni Duterte.

Ipinanawagan muli ng pangulo ang pagbabalik ng parusang kamatayan para sa drug-related offenders, at idiniing ginagawa rin ito ng mga bansang China, Malaysia, at Indonesia.

Sinabi rin nitong ang pagresolba sa problema ng iligal na droga ay magdudulot ng normal na buhay para sa kabataang Pilipino.

Drugs really destroys the spirit of the nation (Talagang sinisira ng droga ang kaluluwa ng bansa),” ani Duterte said.

Sa huli, muling pinaalalahanan ng pangulo ang taumbayan na iwasan ang iligal na droga.

“Magtanim ka sa bukid, dyan sa palengke maraming negosyo dyan. Huwag ka magbili ng droga. Malaki ang pera dyan. Pero kung nagkamali ka, buhay mo talaga ang iiwan mo,” diin ni Duterte.

Ang kampanya kontra iligal na droga o Oplan Tokhang na inilunsad ng administrasyon Duterte ay umani ng pambabatikos mula sa iba pang opisyal ng pamahalaan at mga grupong pangkarapatan dahil sa paglipana ng extrajudicial killings sa mga small-time suspek.

LATEST

LATEST

TRENDING