DOH, pinagsabihan ang isang abogado dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa face mask

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Atty. Larry Gadon
Kuha ni: @TedPylon

Pinagsabihan ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang isang abogado na nag-viral noong weekend dahil sa hindi tamang pagsusuot ng face shield at face masks, at pinabulaanan din ang pagiging epektibo ng surgical masks para mapigilan ang paglaganap ng Covid-19.

Nakuhanan ng litrato ang abogadong si Larry Gadon na nakasuot ng face mask na naka-tape sa kanyang face shield sa pampublikong lugar.

Iginiit din ni Gadon ang kanyang maling pananaw na hindi kinakailangan ang pagsusuot ng face masks sa mga open spaces.

Pinagalitan naman ang abogado ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring ikapahamak ng publiko.

“Those people who are known by the media, general public, alam niyong may role kayo kapag nagsasabi kayo ng ganitong misinformation,” giit ni Vergeire.

Dagdag pa niya,”Hirap na hirap na tayo mag-enforce ng minimum health standards, so we seek the help of everybody in giving the accurate information.”

Pinaalalahanan din ni Vergeire ang publiko na maging mapanuri sa pinagkukuhanang impormasyon.

Aniya, “Makinig lang tayo sa tamang impormasyon. This is not a joking matter”.

People might be following them. This is not the right way to go (Maaaring sinusunod sila ng tao. Hindi ito ang tamang daan), magkakasakit ang mga tao,” diin ng DOH spokesperson.

Inirekomenda ng World Health Organization ang pagsusuot ng face masks sa pampublikong lugar, kabilang ang iba pang health protocols para maiwasan ang transmisyon ng Covid-19.

Mandatoryo rin ang pagsusuot ng face masks sa lahat ng panig ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING