‘Andito po ako sa Davao’: Duterte, pinabulaanan ang balitang umalis siya ng bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Nakita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Facebook live video ng kanyang longtime assistant na si Senador Christopher “Bong” Go, noong Lunes, Agosto 17.

Well, as you can see clearly, I have been in Davao all along (Base sa nakikita niyo, nandito lang ako sa Davao),” ani Duterte sa video na inere sa account ni Go simula 7:44 p.m.

Suot ang face mask at eye shield, makikitang papunta ang pangulo sa gaganaping pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) bago ang kanyang itinakdang public address, ayon kay Go.

“Umiiwas tayo ng Covid,” wika ni Duterte.

Dagdag pa niya, “Andito po ako sa Davao. ‘Wag po kayong maniwala.”

Noong Lunes ng hapon, inilabas ni Go ang larawan ni Duterte na kumakain kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña at anak na si Kitty.

Inilabas ang larawan matapos kumalat ang mga bali-balitang lumipad patungong Singapore si Duterte nitong weekend para magpagamot.

Tinanggihan ito ng Malacañang.

“Sa mga nagpapakalat ng fake news, makonsyensya po kayo. Nagtatrabaho lang po ang ating Presidente,” pahayag naman ni Go.

LATEST

LATEST

TRENDING