Mas nakakahawang coronavirus strain, natagpuan sa Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
This image of the virus is from a transmission electron microscope.

Natagpuan kamakailan sa bansa ang bagong dominanteng strain ng coronavirus na pinaniniwalaang mas nakakahawa ayon sa mga international researchers.

Ang bagong mutation ng SARS-CoV-2 virus na tinatawag na G614 ay pinalitan nang halos lahat ang nauna nitong strain na D614, dahilan upang maging pinakadominanteng coronavirus strain ito sa buong mundo. Apektado ng mutation ang spike protein o ang istrukturang ginagamit ng virus para pasukin ang cells ng katawan.

Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa Philippine Genome Center ang mutated strain ng coronavirus sa ilang mga kaso ng Covid-19 sa Quezon City.

Noong unang lumaganap ang Covid-19 sa bansa, D614G variant ang nakita ng mga dalubhasa mula sa kinolektang mga samples ng Filipino genome researchers.

Subalit, noong mag-umpisa ang bagong research noong Hunyo, parehong D614 at G614 ang na-detect sa maliit na sample ng mga positibong kaso mula pinakamataong lungsod sa bansa.

Although this information confirms the presence of G614 in the Philippines, we note that all the samples tested were from Quezon City and may not represent the mutational landscape for the whole country (Bagama’t kinukumpirma nito ang presensya ng G614 sa Pilipinas, idinidiin namin na mula lamang sa Quezon City ang mga samples na kinuha at maaaring hindi nirerepresentahan ang buong bansa),” pahayag sa bulletin na inilabas noong Agosto 13.

Napag-alaman ng isang international team ng researchers noong Hulyo na mas nakakahawa ang bagong uri ng coronavirus. Isang nilathalang pag-aaral sa journal na Cell ang nagsasabing mas mabilis magparami ang bagong bersyon ng virus sa upper respiratory tract — sa ilong, sinuses at lalamunan, kung saan maaari nitong ipaliwanag ang mabilis na paghawa.

Gayunpaman, napag-alaman din sa parehong pag-aaral na hindi malubhang naaapektuhan ang mga pasyenteng nagkakaroon ng panibagong strain ng coronavirus.

LATEST

LATEST

TRENDING