UP expert: Covid-19 cases sa bansa, posibleng pumalo nang 200k sa dulo ng Agosto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Walter Bollozos (The Philippine STAR)

Pababa na aniya ang trend ng panibagong Covid-19 test results sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Dr. Guido David mula sa UP Institute of Mathematics, nakatulong sa pagpapababa ng positive test results ang muling pag-implementa ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilang karatig-lalawigan na iiral hanggang Agosto 18.

Posible umanong ma-flatten ang Covid-19 curve bago matapos ang Agosto kung palalawigin ang MECQ sa Kamaynilaan.

Kung papairalin naman aniya ang general community quarantine (GCQ) at ipatutupad ang mahigpit na mga quarantine protocols, posible ma-flatten sa susunod na buwan ang curve sa Metro Manila.

Kasalukuyang nasa 1.2 hanggang 1.5 ang average number ng transmission sa Metro Manila. Subalit, mas mataas aniya ang positivity rate sa National Capital Rregion (NCR) na nasa 17 hanggang 18 percent.

Dagdag pa ni David, may posibilidad na pumalo sa 200,000 ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa sa pagtatapos ng Agosto.

LATEST

LATEST