Dengvaxia scandal, pinangangambahang maulit sa Russian Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Russian Direct Investment Fund

Nairestro na kamakailan ang isang bakuna kontra Covid-19 na gawa sa bansang Russia bagama’t hindi pa ito natatapos sa phase 3 clinical trials.

Nagbabala naman ang mga Kanluraning siyentipiko tungkol sa paggamit ng Sputnik V, ang Russian Covid-19 vaccine, dahil sa hindi nito pagsailalim sa phase 3 clinical trials na sukatan sa pagiging epektibo nito.

People are concerned about a repeat of Dengvaxia and for good reasons (Nangangamba ang mga tao na baka maulit ang Dengvaxia at para sa ilang magagandang rason),” ani Dr. Beaver Tamesis, pangulo ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines Inc., isang industry group.

There is this lack of information about the vaccine that is concerning the public (May kakulangan sa impormasyon tungkol sa bakuna at pinangangambahan ito ng publiko),” dagdag pa ng doktor.

Gayunpaman, positibo ang pananaw ng Malacañang hinggil sa bagong gawang bakuna. Sa katunayan, nagboluntaryo sa Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna at inaasahang maisasakatuparan ito sa Mayo 2021.

Tiniyak naman ni Rolando Enrique Domingo, director-general ng Food and Drugs Administration, na susuriin nilang mabuti ang lahat ng mga bakuna laban sa Covid-19.

We will not accept an application for approval unless the Phase III trial is completed (Hindi kami tatanggap ng aplikasyon para aprubahan hangga’t hindi makumpleto ang Phase III trial),” giit ni Domingo.

Noong 2017, nawala ang pagtitiwala ng publiko sa mga bakuna dahil sa kontrobersya ng Dengvaxia vaccine. Ayon sa datos, bumagsak ang full immunization rates sa bansa mula 85.6% ng child population noong 2010, sa 66.2% noong 2018.

Lalo pa itong bumagsak noong ikatlong quarter ng 2019, kung saan umabot ito nang 52.7%.

Ayon kay Tamesis, mayroong  time-tested public immunization program ang pamahalaan na maaaring gamitin kung sakaling darating na ang Covid-19 vaccine. Subalit, magiging epektibo lamang aniya ito kung magtitiwala ang taumbayan sa bakuna.

LATEST