6 PhilHealth regional officers, nag-leave habang pinaiimbestigahan ang ahensya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Anim na regional officers ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang naghain ng leave of absence habang kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ang ahenysa, ayon sa Malacañang noong Agosto 16.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na  sinunod ng mga hindi pinangalanang opisyal ang abiso ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mag-leave ang mga opsiyal na sumasailalim sa imbestigasyon.

Aniya, “They chose to go on leave and heeded the call of Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra for those whose names are mentioned in the investigation to go on leave. We consider this as the right and proper thing to do (Ninais nilang mag-leave at sundin ang panawagan ni DOJ Secretary Menardo Gueverrra para sa mga pangalang binanggit sa imbestigasyon na mag-leave. Kinonsidera namin ang hakbang na ito bilang tama)”.

Gayunpaman, iginiit ni Roque na hindi kabahagi ang mga nasabing opisyal sa tinaguriang PhilHealth “mafia.”

Nagbuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang multi-agency task force na pinangungunahan ng Justice Department para paimbestigahan ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa katiwalian.

Ang grupo, na binigyan din ng kapangyarihang magsagawa ng lifestyle checks at magpataw ng preventive suspension, ay inatasan ding magsumite ng ulat at rekomendasyon kay Duterte, kabilang ang karampatang ligal na mga hakbang laban sa mga kurap na empleyado.

LATEST

LATEST

TRENDING