Duterte, nire-review ang planong paggawa ng virology research institute sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Joey Dalumpines (Presidential Photo)

Kasalukuyang nire-review ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagtatatag ng isang virology research institute sa bansa, ayon sa Malacañang noong Agosto 14.

Ang proposed Virology Science and Technology Institute ay layong “palakasin ang local vaccine development sa bansa” giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), ipinahayag ni Duterte ang kagustuhang bumuo ng national body na magsisilbi bilang pangunahing ahensya sa paghawak ng mga outbreaks ng mga sakit habang patuloy ang pakikipaglaban ng bansa sa Covid-19.

Habang wala pang commercially available na bakuna sa bansa, binanggit ni Roque na nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa iba pang mga bansa para sa posibleng pakikipagkooperasyon.

We have been in touch with several institutions to collaborate on vaccine development and allow local manufacturing, if possible (Nakikipag-ugnayan kami sa ilang institusyon para makipagkolaborasyon sa vaccine development at local manufacturing, kung maaari). Our country is part of the (Bahagi ang ating bansa sa) World Health Organization Solidarity Trials for COVID-19 treatments,” ani Roque.

Nakatakdang umpisahan ng Pilipinas ang human clinical trials para sa Russian-made Covid-19 vaccine na Sputnik V sa darating na Oktubre.

Pinag-aaralan din ng Department of Science and Technology ang pagiging epektibo bilang supplementary treatments kontra Covid-19 ng mga herbal plants tulad ng lagundi, tawa-tawa, at virgin coconut oil.

LATEST

LATEST

TRENDING